Wishing from a LiL star!!!

Attitude is everything...
Think POSITIVE!!!

Saturday, May 9, 2009

Ang mga taong naging malaking parte ng buhay ko-Part 1

(hindi ko na papangalanan for protection-sakin! hahaha)


Si ex- ai sobra! Kasi sobrang minahal ko siya na akala ko magtatagl kami ng bonggang bongga.. Madami kasing common saming dalawa eh (hindi ko na iisa-isahin kung ano yung mga yun). Madami din akong natutunan saknya. Namulat kung pano masaktan ng sobra-sobrasa pag-ibig (nakks!)

OO iniwan niya ko!!! Potek! Nung una wala lang sakin, pero nung nagtagal na gabi-gabi ko siyang iniiyakan, lalo pang humirap dahil pag asa skuL ako madalas ko siyang makita non.. Kamuzta naman yun db? Buti na lang at hindi siya Nursing, dahil kahit malaki ang ppulasyon ng narsing sa eskwelahang pinasukan ko eh maliit munti nman ang aming buliding..

Nasabi ko dati, kahit hindi na kami mamahalin ko pa din xa, alam ko masakit pero ganon talag eh.. May mga bagy na mahirap i-explain sa ibang tao at mas lalong mahirap i-explain sa sarili mo kung bakit.. Nung nagtagal, bumitaw na din ako... siguro..malamang..ewan.. napagod na din ako. Siguro ulit naghihintay ako ng resulta eh wala naman pala akong mapapala..

Gumraduate ako't lahat pilit ko pa din siyang kinakalimutan.. sobrang hirap?? OO.. Yung tipong gusto mong kalimutan ang buong pagkatao mo (nakz! ang deep!!)

Bakit nag ba kasi hindi ko kayang magalit saknya kahit na konti?? siguro kung ganon ang nangyari, baka sakli makatulong sa madaling paglimot sa hindi mxadong magndang nakaraan.. :)

Ikaw! Kung marunong ka mang magbasa o mag open ng blog ng ibang tao at sakaling maligaw ka d2 sa blog ko.. Nakakainis ka!!!!! Sana lang magparamdam ko, last text ko sayo.. Yun lang ang gustoko mangyari FRIENDSHIP... CLOSURE....buset ka! tse!!

No comments: